Ilang paalala mula sa Embahada para sa mga Pilipinong dadalo sa ating simpleng salu-salo upang ipagdiwang ang Anibersaryo ng Proklamasyon ng ating Kalayaan sa Linggo, ika-14 ng Hunyo 2015, 2:30-5:30 ng hapon sa Embahada (23 Xiu Shui Bei Jie, Jian Guo Men Wai, Beijing):
-
Ipaalam sa Embahada ang inyong pagdalo sa pagdiriwang na ito upang maibilang kayo sa ihahandang pagkain at iba pang kaukulang plano.
Tawagan ang telepono bilang 6532-1872 o 6532-2451 lok. 17 o 28 at hanapin si Binibining Lally Marqueses o Ginoong Danny Pimentel. Maaari ding ipaalam ang inyong pagdalo sa pamamagitan ng email (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.).
-
Ipinagbabawal ang pagdala at pag-inom ng alak sa salu-salo.
-
Magkakaroon ng Overseas Voting Registration para sa mga nais magparehistro para sa Eleksyon sa Pilipinas sa ika-9 ng Mayo 2016. Deadline ng pagpaparehistro ng overseas voters ay sa ika-31 ng Oktubre 2015.
Ang mga nais magparehistro ay kailangang magdala ng kanilang pasaporte.
Kung dual-citizen, pakidala rin ng inyong Order of Approval, Oath of Allegiance o Identification Certificate. Kung kayo ay seafarer, pakidala ng inyong Seaman’s Book.
Pinaaalalahanan ang mga lumipat ng tirahan na ipatala ang inyong bagong address.
Magkita-kita po tayo sa Embahada sa ika-14 ng Hunyo.