Malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo sa isang simpleng salu-salo sa Embahada, upang ipagdiwang ang Anibersaryo ng Proklamasyon ng ating Kalayaan.
Kailan : Ika-14 ng Hunyo 2015, Linggo, 2:30-5:30 ng hapon
Saan: Embahada ng Pilipinas
23 Xiu Shui Bei Jie, Jian Guo Men Wai, Beijing
Mangyari lamang po na bago sumapit ang ika-5 ng Hunyo 2015ay ipaalam sa Embahada ang inyong pagdalo sa pagdiriwang na ito upang maibilang kayo sa ihahandang pagkain at iba pang kaukulang plano. Tawagan ang telepono bilang 6532-1872 o 6532-2451 lok. 17 o 28 at hanapin si Binibining Lally Marqueses o Ginoong Danny Pimentel. Maaari ding ipaalam ang inyong pagdalo sa pamamagitan ng email (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.).
Pinaaalam rin ng Embahada na ang mga sumusunod ay maaaring makipag-ugnayan kay Ginoong Ronel Pengson (telepono 6532-1872 lok 28):
-
mga nais magbenta ng pagkain sa araw ng pagdiriwang, at
-
mga nais kumanta, sumayaw o magtanghal ng maikling skit bilang bahagi ng programa.
Mahigpit na ipatutupad ng Embahada ang mga sumusunod na patakarang pang-seguridad:
-
Pinaaalalahanan ang lahat na kailangan pong ikumpirma ang inyong pagdalo. Ipatala ang inyong pangalan at ng inyong mga kapamilyang kasamang dadalo.
-
Upang masiguro ang seguridad ng Embahada at ng ating pagdiriwang, ang mga nagkumpirma lamang ang makakapasok sa Embahada sa ika-14 ng Hunyo. Hanggang ika-5 ng Hunyo 2015 lamang maaaring magkumpirma at magpatala. Hindi na tatanggapin ang pagpapatala pagkatapos ng araw na ito.
-
Ipinagbabawal ang pagdala at pag-inom ng alak sa salu-salo.
Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at pang-unawa sa mahalagang bagay na ito.