MENU

BuwanNgWika2016

Tuwing buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang "Buwan ng Wikang Pambansa" alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan noong 15 Pebrero 1997. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ang ahensyang namumuno sa pagdiriwang.

Sa taong ito, ang ating pagdiriwang ay may temang "Filipino: Wika ng Karunungan," at apat na pangalawang tema (sub-themes): (a) Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan (Filipino: Language of Education and Culture); (b) Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa (Intellectualized National Language, Language of a Progressive Country); (c) Pagsasalin: Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan (Translation: Key to Achieving and Propagating Knowledge and Wisdom); at (d) Ang Filipino ay Wika ng Saliksik (Filipino is the Language of Research).

Ang lahat ay inaanyayahan na bisitahin ang website ng Komisyon sa Wikang Filipino (http://kwf.gov.ph/) para sa karagdagang impormasyon. Kalakip ang "Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa" (Frequently Asked Questions on the National Language) mula sa http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/FAQ_2.4.15-1.pdf para higit na kaalaman ukol sa ating wikang pambansa.