MAKILAHOK SA HALALAN 2016
Kung ikaw ay isang active registered overseas voter, ikaw ay maaaring bumoto sa pinakamalapit na Embahada o Pasuguan sa iyong tirahan o trabaho. Bukas ang Embahada/Pasuguan upang tumanggap ng inyong boto mula Lunes hanggang Linggo, mula ika 9:00 nang umaga hanggang 5:00 nang hapon. Dalhin lamang ang iyong voter’s ID, pasaporte o anumang Philippine-issued ID. (Wala pong consular services sa araw ng Sabado at Linggo pati na sa ika-2 at 9 ng Mayo 2016).
Para sa mga botante na nakatanggap ng electoral mail sa inyong address, ipadala ang nasagutang balota sa address ng Philippine Embassy, 23 Xiu Shui Bei Jie, Jian Guo Men Wai, Beijing 100600.
Maaari din namang dalhin ng personal ang balota na nakapaloob sa ballot envelope sa Embahada mula Lunes hanggang Linggo, 9:00 nang umaga hanggang 5:00 nang hapon o kaya ay ihulog ito sa nakatakdang buson na matatagpuan sa harap ng Embahada/Pasuguan.
Ang mga balota ay kinakailangang maipadala sa Embahada/Pasuguan bago matapos ang voting period sa ika-9 ng Mayo 2016, 5:00 nang hapon. Ang mga balota na matatanggap pagkatapos ng 5:00 nang hapon sa petsang ito ay hindi na maisasama sa bilangan.
Tayo na’t ipaglaban ang ating karapatang bumoto para sa ikauunlad ng bayan!